![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|
![]() |
|
DINGDONG'S TEEN CONFESSIONS
ISA akong leon na ipinanganak noong August 2, 1980. Isang Leo na talagang very prominent ang pagka-Leo. ‘Yung mga characteristic ng isang Leo, sobrang obvious
sa akin. Like ‘yung pagiging romantic, feeling
superior. Feeling leader. Ma-pride. Good
at heart. Excellent thinker, moody, sensitive. Actually ‘yun ang mga basic traits ng isang Leo
na makikita sa akin. Dati kasi
masyado akong makulit na bata. ‘Yung sobrang
kulit at bibo. Kapag may party kami no’n, dance
ako. Ang tawag sa akin noon Joselito, ‘yun
ang nickname ko. Marami nga akong nickname, Ding
Dong, Joselito, come here! ‘Yung mga lolo ko kinakausap ako ng espanyol. Dati-rati magaling akong mag-espanyol, pero ngayon, wala na akong alam. Kasi pinaglalaruan ko na lang minsan. Hindi ko rin masasabing
malaking percentage ng pagiging Spanish ang nasa dugo ko.
Basta ang alam ko, ‘yung grandmother ko, ‘yung parents niya, full Spanish. Ang daddy niya, Duke sa Madrid. Bale ‘yun ‘yung lolo ng mommy ko.
Ang daddy ko naman, Filipino. Excited din akong
pumasok sa school. Lahat pinapakialaman ko, lahat
tinatanong. Pero noong pagtanda ko, hindi na. Biglang naging matured at straight ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Noong bata pa ako
mahilig rin akong magsuot ng costumes, Batman, Captain America, lahat-lahat ng puwede. Mahilig akong magsundalo.
Mahilig ako sa baril. Gusto ko rin noon maging
piloto, ‘yung fighting plane. Gusto ko ring
maging astronaut. Sa side kasi ng daddy ko, karamihan
nasa military. Kasi ang lolo ko, General dati at
‘yung mga kapatid niya, Coronel. Pero ang daddy
ko, pilot dati. Pero ngayon businessman na siya dahil
mahirap ‘yung hindi mo kasama palagi ang pamilya mo. Then, habang tumatanda
ka naman, nagbabago na ‘yun, di ba? Dati gusto
kong maging player, tapos ngayon nag-aartista ko. Pero
siyempre, may iba pa rin naman akong interes. Like
gusto kong maging director, businessman. ‘Yung totoo
niyan, shy ako. Mahiyain akong tao. Kung itatabi mo ako sa mga estudyante, normal lang ako. Kapag artista ka, kailangang you have something that is extra-ordinary. Kahit isang grupo kayo kailangang angatan mo silang lahat. Sa akin kasi, hindi ganoon ang mentality ko. ike dati sumasayaw
ako, sumasayaw ako dahil gusto ko. At walang suweldo
talaga roon. Wala ring allowance ‘yun. Kumbaga, it’s not the money you’re after,
hanggang eventually may offer na ng pag-aartista. Pero
ayoko talaga noon. Minsan mababa ang tingin sa ‘yo
kapag nag-aartista ka. ‘Yung Abztract kasi
noon iba eh… lahat kami nag-aaral. Hanggang
sa dumating ‘yung offer ng T.G.I.S., eh, nanonood kasi ako ng T.G.I.S. noong araw, kaya sabi ko, oo ba! At sinabi pa na
‘yung role ni Bobby Andrews ang parang magiging role ko, eh, ‘yun ang gusto kong role dati. So, pinag-isipan ko. Noong
tinanong ko sa parents ko, ayaw talaga nila akong payagan.
Alam kasi nila ang artista, noong Abztract nga lang ayaw na nila akong payagan. Siyempre, ayaw nilang napapagod ako, hindi naman nila alam na nag-e-enjoy ako. ‘Yung gimmicks, barkada. Noong pumayag sila,
may condition na dapat ‘yung grades ko, hindi bababa.
So, sinubukan ko. At may deal kami noon, hindi
ako lalabas sa ibang show, T.G.I.S. lang, hindi ako puwedeng mag-guest sa ibang show like S.O.P. Eh, hindi ko naman alam na marami palang demands ang artista. Maganda naman ang
grades ko. Hanggang sa mag-guest ako sa S.O.P. at
nadagdagan pa. Kaya sabi ko, aba, nakakatakot na
ito… biglaan, eh. Hindi naman plinano. Hanggang sa i-offer sa akin ang Anna Karenina. Ganoon pa rin… in a way, mahiyain pa rin, pero, sa ibang tao, exposed na rin
ako. Marami na ring pagbabago. Basically intrigues
lang naman ang hindi naging maganda sa akin sa pagpasok sa showbiz, pero everything is good naman. I think na blessings para sa akin lahat, except lang ‘yung intrigues. Sa umpisa naranasan
ko rin ‘yung, ‘pag sinasabing sino ang artista rito?
Kapag sinabing Rafael…Iñaki. Parang
ah… Pero, hindi ako na-offend. In fact, kahit
ngayon pa rin gawin sa akin ‘yun, hindi ako mao-offend.
Feeling ko wala akong karapatang ma-offend. Kapag may nakakakilala
na sa akin, ngayon ‘yung feeling na nakukuha ko ay feeling of fullfilment. Happy ako na may tumatangkilik. Naa-appreciate
nila ‘yung ginagawa ko. Kapag may ganoon I
feel flattered and proud of myself. Actually kapag may
nang-aasar sa akin, na pare, baduy…mga kaibiga ko lang.
Wala naming nang-aasar sa akin ng harap-harapan, siyempre, takot pa rin sila. Kasi minsan may nangyari once na napiko ako. Muntik na kaming mag-fight.
‘Yung pangyayaring ‘yun, hindi siya na-settle, pero at least, nakuha nila ang points ko, ‘di ba? Sa ngayon, willing
ako to pursue both my studies and career. May times
na talagang naisa-sacrifice ko ‘yung activities with my classmates, pero, hindi mo dapat I-sacrifice ‘yung academic. For me, it’s just a give and take. Pero siguro ako, if the time comes na kailangan kong mamili, kahit na siguro gaano
pa kataas ang narrating ko, willing kong i-give-up in favor of my studies. Kasi hindi naman
ito panghabang buhay, eh. As much as possible babalansehin
ko para naman maganda. Pareho kong love ‘yan. Sa
ngayon ‘yung mga non-showbiz friends ko, hindi na kami gaanong nagkikita-kita. Kapag may reunion, nagpupunta ko, pero, hindi na madalas. ‘Yung mga pinsan ko, mas madalas kaming nagkikita kami. Sa showbiz naman, kaunti lang naman ang showbiz friends ko. Friends ko sila, nakakusap ko sila, pero, iba talaga ‘yung friends ko talaga
na kaibigan ko. So
far si Antoinette Taus pa lang siguro. Sinasabi nila sa showbiz
daw walang true friends, pero, hindi naman kasi ako naghahanap ng true friends. Kusa naman ‘yang dumarating like si Antoinette, kusa siyang dumating. Sa girls naman,
misconception lang talaga. Kasi kahit kanino puwedeng
mangyari ‘yun, nagkataon lang talaga na nag-aartista ako ngayon kaya siguro konting ano lang, sasabihin na kaagad na
babaero na. Pero pagdating sa lovelife, talagang
diretso ako. ‘Yung oras ko talagang ibibigay
ko. Kasama siya sa priorities ko. May point lang dati na talagang naging curious ako kung papaano ‘yung mga bagay-bagay. Pero hindi naman babaero na nakakasakit na talaga ng damdamin. I still make it a point na gimik-gimik lang dito. ‘Yung
teenager life, kailangang madaanan ko and I can say na nadaanan ko talaga ‘yun. I know what I want
now. Alam ko na kung ano ang gusto ko sa buhay ko. At saka isa na rin siguro ‘yung kahit papaano, nakita
ko na siya sa buhay ko. Hindi naman sa nagsasalita
ako ng patapos with Antoinette, sinasabi ko lang ang feelings ko. And as I matured
alam ko na ang feelings ko, alam ko na ang difference ng totoong love at hindi. At saka, para sa akin, wala naming masama kung maging open din ako sa feelings ko, wala naming dapat itago. Pero ang tingin ko na dapat itago kapag ‘yung girl,
wala sa showbiz. Siguro kaya rin
ako ganito ka-open dahil kilala ng mga tao kung sino ang sinasabihan ko and in a way, flattering ‘yun para sa babae. Pero hind kami mag-boyfriend pa, at hindi denial ‘yun. Lastly, siguro kapag
makikita n’yo ako sa isang grupo na bago-bago pa lang nakikilala, tahimik ako. Ako ‘yung tipong mangangapa pa ng ugali at hindi muna ako ‘yung tipong magpapakita
ng gilas. I am the type of person na hindi man shy
type, pero, mabagal lang ma-associate sa isang group. Gusto
ko kasi sigurado sa isang grupong kumportable ako and with the people I want. ‘Pag ganoon na, sobrang kulit na ako. Friendly ako kung
sa friedly. Pero hindi ako madaling mag-trust ng
tao. Basta ang gusto ko ‘yung mga totoong tao,
pero siyempre, gusto ko pa rin na marami akong kasama, marami akong friends. Gusto ko kasama ko sila sa mga adventures at sa mga gimmicks. O hayan, marami
na kayong nalaman na hindi n’yo pa alam sa akin. Kahit
na classified information ‘yun sinabi ko na at hindi naman masama. Sana nag-enjoy kayo, sana may natutunan kayo kahit papaano at sana, mai-aplay ninyo sa buhay n’yo. And well, at least
you know what I am. You know what I want, you know
what my interests are… Siguro sometimes,
‘pag nagkita tayo, masasabi n’yong kilala kita…ikaw ‘yung ganyan. Let’s compliment each other kumbaga… I-apply n’yo ‘yung mga
dapat n’yong I-apply sa sarili n’yong buhay.
Life your life to the fullest. |
|
![]() |
|
![]() |
|||||||||||||
![]() |
![]() |
||||||||
|
![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |