According to them... there dream wedding is... the only thing missing... is the date!!!
DINGDONG'S KASAL-KASALAN BAHAY-BAHAYAN
POWER OF TWO
‘Coz
we’re okay We’re fine. Baby I’m here
To stop your crying multiply life the Power of two.
"I like the song.... kung sakaling kami nga ni Antoinette
(Taus) ang magkakatuluyan, gusto ko na ‘yun ang maging theme song namin sa kasal namin," simula nga ni Dingdong Dantes
ng pagi-imagine sa posibleng mga kaganapan kung sila na nga ni Antoinette ang magkakatuluyan.
"Kung sakali, kung matutuloy
akong mag-military, gusto ko sa kasal namin, military wedding. Hindi natin masasasabi di ba? Malay n’yo kung talagang
pasukin ko nga ‘yung military, eh, ‘di possible na makasal kami ng pang-military wedding.
"Well, sa
ngayon, kahit naman magka-loveteam pa lang kami ni Antoinette, aminado naman akong talagang gusto ko siya, na rnahal ko siya,
so, hindi imposible na minsan, naiisip ko na rin na kami na talaga ang magkakatuluyan or magkakasama habangbuhay. Siyempre,
‘yun naman ang goal ko.
"At saka, hindi maiaalis sa akin ‘yun lalo pa nga at kami talaga ang close ngayon,
kami ‘yung palaging nagkakasama," patuloy nga niyang pag-amin.
"Kung magiging husband man siguro ako yung tipo
ng husband na istrikto talaga, pero nasa lugar naman. Kumbaga, papayagan kong lumabas ‘yung misis ko, pero hindi palagi.
Kung mayroon namang argument, dapat pinag-uusapan na namin kaagad ‘yun. Hindi na dapat pang pinagtatagal.
"Siguro
kung ano ka as boyfriend, ganoon pa na naman kapag naging husband na. I think, I’ll be a more responsible husband and
I always look up doon sa needs ng family ko.
"Si Antoinette naman, dapat sweet pa rin siya. Kailangan hindi mawawala
‘yung romance. At saka, importante sa akin na practical siya sa buhay.
"Hindi na siya siyempre magso-showbiz
kapag dumating ‘yung time na ‘yun. Siyempre, iba na naman ‘yun. Imagine no, may asawa at anak ka na, tapos
lalabas ka pa at makikipag-kissing scene. Ako na, wala na rin ako sa showbiz noon. Siyempre, gusto ko namang mag-concentrate
with other things like halimbawa sa ibang profession or sa business namin. At saka, ‘yung concentration ko na, sa
family na namin.
"I want four children. Dalawang babae at saka dalawang lalaki."
TONI'S KASAL-KASALAN BAHAY-BAHAYAN
LOOKING THROUGH THE EYES OF LOVE
Please, don’t let this feeling end its everything I am.. Everything
I wanna be 1 can see what’s mine now Finding out what’s true Since I’ve found you Looking through
the eyes of dove.
"Well, noong nagkukuwento sa amin ‘yung mommy ko ng theme song nila ng daddy ko
noong ikinasal sila, ito raw ‘yung How Deep is Your Love? Nakakatawa nga, kasi, sabi ni Dingdong, ‘yun din daw
ang theme song ng parents niya noong ikinasal," bungad sa amin ni Antoinette no’ng tinanong namin siya about their own
theme song.
"Pero kung kami ni Dingdong, gusto ko ‘yung Looking Through The Eyes of Love. Kasi, talagang parang
bagay na bagay siya sa occassion," sey niya.
"At saka, kapag ikinasal na kami, gusto ko talaga garden wedding or kaya
naman, church wedding pa rin, pero, ‘yung reception, gusto ko talaga sa isang malaking-malaking garden na napakaganda.
"With
me and Dingdong, I do believe that anything is possible lalo na ngayong kami pa ang palaging magkasama. Kami ang talagang
magka-loveteam, kumbaga, talagang close na close kami and he is a very special friend to me.
"As a wife naman, ayoko
kasing maging tipo ng wife na sa bahay lang ako. Gusto ko ‘yung nagko-contribute din ako sa income namin aside of course
doon sa husband ko. Siyempre, bago pa ‘ko mag-asawa, sasabihin ko munang gusto ko paring mag-work, ayoko naman no’ng
nasa bahay lang ako..
"Pero siyempre, kung buntis naman ako at maliliit pa ‘yung mga anak namin, doon muna ako
magko-concentrate sa kanila. ‘Pag okey na, eh, ‘di itutuloy ko naman ‘yung profession ko or ‘yung
business ko.
"I want in a husband ‘yung masipag sa trabaho and at the same time, dedicated sa family niya. Kailangang
balance palagi ang ginagawa niya. Kung ideal husband kaya si Dingdong, well, of course, hindi ko alam.... you’ll never
know naman kasi. Sometimes, people change for the worst," sey pa rin niya.
"Sa anak naman, gusto ko, dalawa lang. ‘Yung
parang kami lang din ni Tom (Taus). Kasi, nakita ko mas madali kapag dalawa lang, like kung magta-travel kayo,okey lang, easier.
Gusto kong panganay babae, kasi para sa akin, mas responsible at saka mas madaling mag-mature. Mas mapoprotektahan ng babae
ang baby brother niya."
Enter content here
A LOVE THAT WAS MEANT TO BE...
A LOVE THAT WAS REAL...
A LOVE THAT WOULD TOUCH THE HEARTS OF YOU AND ME...
TOGETHER..... FOREVER.....
Comment Box
Let me know what you think! :D
Antoinette and Dingdong on screen and real life!Toni-Dong forever!!